Nagbabala ang Philippine Space Agency o PHILSA sa posibleng pagbagsak ng rocket debris ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Sa abiso ng PHILSA na ibinahagi ng Philippine Coast Guard, posibleng bumagsak ang rocket debris ng Long March 7A rocket ng China sa December 31 sa pagitan ng 6:32am hanggang 7:14am oras sa Pilipinas.























