Dumating kahapon sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI si Navotas City Lone District Rep. Toby Tiangco, dala ang mga ebidensiya na kakailanganin ng ICI.
Ayon sa kongresista, nakahanda siyang makipagtulungan sa independent commission para sa mga gagawin nitong imbestigasyon.