Ikinababahala ni House Assistant Minority Leader at Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno ang halos P249.9 billion na unprogrammed appropriations sa 2026 national budget na mas mataas kaysa sa nakaraang taon.
Giit ng kongresista, nagiging pondo para sa pork barrel politics ang mga unprogrammed funds na walang malinaw na pagkukuhanan at hindi dumadaan sa masusing pagsusuri.