Naniniwala ang ilang miyembro ng House Committee on Justice na hindi maaapektuhan ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte sa kabila ng reklamong inihain ni Atty. Manases Carpio.
Kaugnay ito ng ulat ng Anti-Money Laundering Council sa mga covered at suspicious transactions sa bank accounts na iniuugnay sa mag-asawa.
Ayon sa mga mambabatas, tila pag-amin sa bilyong pisong transaksyon ang naging hakbang ni Carpio sa paghahain ng reklamo.






















