Nakakuha na ng permit mula sa Quezon City local government ang religious group para sa ikalawang araw ng kanilang rally sa may bahagi ng EDSA White Plains.
Samantala, tiniyak naman ng Philippine National Police ang pagpapatupad ng maximum tolerance sa nasabing kilos-protesta upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.






















