Naipamahagi na ang gamit pang-agrikultura mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PhilMech sa 17 kooperatiba ng coconut farmers sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Layunin nitong mapalakas ang industriya ng pagniniyog at makatulong sa kabuhayan ng mga coco farmer.






















