Ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP), ramdam na ng maliliit na negosyante ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ilan sa mga negosyo ang nagsasara, habang ang iba ay nagpapatupad ng freeze-hiring o pansamantalang hindi kumukuha ng bagong empleyado.
Dagdag ng grupo, nahihirapan ang sektor na makasabay sa galaw ng presyo ng produktong petrolyo.






















