Nagpaalala ang isang Senator-Judge sa Prosekusyon kaugnay ng pagpresenta ng kanilang mga testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Pinaalalahanan nito ang Prosekusyon na maging maingat sa pagpapasya kung sino ang ihaharap sa witness stand upang hindi masayang ang oras ng Impeachment Court.





















