Naniniwala si Vice President Sara Duterte na dapat managot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ideklarang labag sa Saligang Batas ang 2024 at 2025 General Appropriations Act, gayundin ang ilang bahagi ng 2026 GAA.
Gayunman, giit ng Malacañang, hindi maaaring managot ang Pangulo sa naturang usapin dahil wala naman umano itong nilabag na probisyon ng Konstitusyon.






















