Maituturing na pagsira sa tiwala ng publiko at malversation o paglulustay ng pondo ng gobyerno ang ginawang paggastos ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa confidential funds na pinasauli ng COA.
Kaya para kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, House Justice Committee member, hindi maabswelto sa pananagutan si Vice President Duterte kahit isauli nito ang naturang pera sa pamahalaan.






















