Hinihikayat ni Navotas City Representative Toby Tiangco ang House Committee on Appropriations na ilathala rin sa official website ng Kamara ang halaga ng pondo ng Department of Public Works and Highways o DPWH na nakalaan sa susunod na taon para sa mga proyektong ini-endorso ng party-list representatives.
Samantala, nais namang babaan ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda-Leviste ang presyo ng mga proyekto ng DPWH para matanggal umano ang posibleng kickbacks.






















