Isa pa sa natalakay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang umano’y pagpapadala ng pondo ng ilang Chinese state-owned enterprises sa Cale88 Foods Corporation, na iniuugnay sa asawa niyang si Atty. Mans Carpio.
Sa interjection ni Senator-Judge Risa Hontiveros, sinabi niyang lumabas sa research ng kanyang tanggapan na ilan sa mga kumpanyang nagpadala ng pera sa Cale88 ay pag-aari ng Chinese government.






















