Inabisuhan ng Philippine Embassy sa Israel ang mga Pilipino doon na manatiling malapit sa shelter at agad na pumasok doon sa oras na makatanggap ng emergency alert.
Kasunod ito ng impormasyong nakalap ng Israel Defense Forces o IDF kaugnay sa umano’y malawakang missile barrage ng Hezbollah na ilulunsad nila sa mga susunod na oras.






















