Naniniwala si Vice President Sara Duterte na mapangahas at mapanganib ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng umano’y ugnayan niya sa pamahalaan at mga korporasyon sa China.
Hayagan ding sinabi ng bise presidente na wala nang maaasahan at nanganganib ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos Jr.





















