Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na pagkilos ng pamahalaan upang agad na makabangon ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino.
Ayon sa Office of Civil Defense, sapat pa ang pondo ng gobyerno para sa quick response fund at iba pang kinakailangang ayuda.























