Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa patuloy na pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ang ipinahayag ng Pangulo nang kaniyang pangunahan ang paglulunsad ng special logo ng pamahalaang Pilipinas at U.S na gagamitin sa pagdiriwang sa makasaysayang ugnayan ng dalawang bansa na itinatag noong July 4, 1946.






















