Matapos mapuna dahil sa umano'y kawalan ng interes, inatasan na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mataas at mababang kapulungan ng Kongreso na gawing prayoridad ang pagpasa sa Independent People's Commission Act.Kabilang ito sa tinalakay sa naganap na Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting kung saan kasama ng Pangulo ang liderato ng Senado at Kamara sa Malacañang kahapon.






















