Iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatili pa rin sa kustodiya ng Czech Republic si dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co.
Ayon sa Pangulo, inatasan na niya ang Department of Justice at Department of Foreign Affairs na makipag-ugnayan sa Czech government para sa agarang pagpapauwi sa dating mambabatas.






















