Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng price cap sa imported rice upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng pagkain.
Ayon sa Pangulo, maglalabas ng executive order para ipatupad ang rekomendasyon ng National Price Coordinating Council sa lalong madaling panahon.






















