Nakipagdayalogo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa irrigators group upang personal na alamin ang kanilang mga hinaing, kabilang ang umano’y pagkaantala ng tulong para sa mga magsasaka.
Kasunod nito, ipinag-utos ng Pangulo ang agarang pamamahagi ng ayuda, partikular ang suporta para sa kanilang mga pagtatanim.






















