Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na gawing prayoridad ang kapakanan ng mamamayan at ang kanilang mga kabuhayan. Ito ang kabilang sa naging mensahe ng pangulo sa pagdiriwang ng ika-pitong founding anniversary ng BARMM na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Cotabato City kahapon, Enero 21.






















