Naniniwala ang isang eksperto na dapat nang madaliin ng Pilipinas ang pagpapalakas ng depensa nito sa gitna ng umuusbong na bagong estratehiya sa digmaan.
Ayon kay Professor Renato de Castro, malaki ang magiging pakinabang ng bansa sa planong pagtatayo ng ammunition facility ng Estados Unidos, gayundin sa pag-develop ng drone technology.






















