Suportado ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang ginawang hakbang ni Ombudsman Crispin Remulla na ibalik ang pagsasapubliko ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ng mga opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Pang. Marcos, nasurpresa siya kung bakit sinuspinde sa ilalim ng nakaraang administrasyon ang polisiyang pinapayagang ma-access ang SALN ng public officials.