Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang magkakaloob ng kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para suspindihin o bawasan ang excise tax sa langis sa gitna ng global oil crisis dahil sa gulo sa Middle East.
Mayroon naman hanggang sa susunod na linggo ang Kongreso para ipasa ang panukala bago ang adjournment ng sesyon para sa summer break.






















