Diretsahang inihayag ni Senator Imee Marcos na plantsado na ang panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa senadora, handang-handa na ang mga nasa likod nito kaya’t hindi na siya magugulat kung maihahain ang reklamo sa susunod na buwan.






















