Isa na namang Chinese research vessel ang pumasok sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas noong gabi ng October 9.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard, namataan itong nagsasagawa ng diving operations malapit sa Hubo Reef, sa kanluran-hilagang kanluran ng Rizal, Palawan.






















