Itinanggi ng Philippine National Police na laganap ang kaguluhan sa mga kalsada kasunod ng insidente sa Las Piñas kung saan kinuyog ng grupo ng kabataan ang isang pampasaherong jeep.
Gayunman, sinabi ng PNP na paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang mailayo sa krimen ang mga kabataan at maiwasan ang kahalintulad na insidente.






















