Nais tiyakin ng Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, at Philippine National Police ang “zero obstruction” sa mga pangunahing kalsada ngayong long holiday.
Ayon kay Transportation Sec. Giovanni Lopez, sisimulan na ang pagtanggal ng mga nakaparadang sasakyan sa bangketa ng highways ngayong araw, April 1.






















