Iginiit ng Malacañang na hindi papatulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pang-uudyok na magpa–hair follicle drug test.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, udyok lamang ito ng mga taong may masamang intensyon sa administrasyon na utusan ang Pangulo na gawin ang isang bagay na hindi naman naaayon sa kaniyang trabaho.






















