Umalis na sa bansa, madaling-araw ng March 19 ang ikatlong government-chartered flight upang sunduin ang mga overseas Filipino worker na apektado ng gulo sa Middle East.
Sakay nito ang ilang opisyal ng Department of Migrant Workers na siyang susundo sa mga OFW na nais nang umuwi ng Pilipinas dahil sa kaguluhan sa rehiyon.






















