Hinimok ng Malacañang ang mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan na tulungan ang mga trucker na may dalang agricultural products na samantalahin ang libreng toll at mababang port fee.
Bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan para matulungan ang mga nagdadala ng produkto sa epekto ng pagtaas ng produktong petrolyo.






















