Ipinagpatuloy ng Sandiganbayan ang pagdinig sa bail petition nina dating senador Ramon Bong Revilla Jr. at iba pang akusado kaugnay ng kaso mula sa Bulacan 1st District Engineering Office.
Sa kanyang pagtestigo, sinabi ng dating DPWH engineer na si Henry Alcantara na umabot sa P1.8-B ang kabuuang halagang naihatid kay dating DPWH Undersecretary Bernardo simula 2022.






















