Sinagot ng Malacañang ang pasaring ni Vice President Sara Duterte na kaya umanong tapusin sa isang araw ang imbestigasyon sa flood control projects.
Sinabi ng Bise Presidente na madali lang naman aniyang matukoy ni PBBM ang mga sangkot sa anomalya kung gugustuhin talaga nitong may managot na opisyal.