Naniniwala ang isang House leader na posibleng maibalik ang tiwala ng taumbayan sa Kamara kung maisasapubliko ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ng mga miyembro ng House of Representatives.
Sa kasalukuyan, iilang miyembro pa lang sa minority bloc ng Kamara ang naglantad sa publiko ng kanilang SALN.






















