Muling pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang espekulasyon sa kanyang kalusugan matapos magbuhat ng sako ng bigas sa gitna ng pamamahagi ng libreng bigas.
Ipinakita ng Pangulo sa publiko ang kanyang lakas bilang tugon sa mga usap-usapan tungkol sa kanyang kondisyon.






















