Hindi pa naman tapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya patuloy ang pagpapanagot sa mga sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Ito ang binigyang-diin ng Malakanyang bilang tugon sa kritisismo na hindi umano natupad ang pahayag ni Pangulong Marcos na may makukulong na malalaking tao noong Disyembre na sangkot sa anomalya at tanging ang contractor na si Sara Discaya ang naaresto na prominenteng personalidad.






















