Kasunod ng pag-uusap sa telepono nina US President Donald Trump at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, hindi na itinuloy ng Israel ang nakatakda sana nitong pag-atake sa kabisera ng Lebanon na Beirut.
Gayunman, tuloy pa rin ang sagupaan ng puwersa ng Israel at grupong Hezbollah sa ibang panig ng Lebanon na tila hindi nagustuhan ng US president.






















