Hindi pa rin nawawala ang takot sa mga residente sa bayan ng San Remigio sa Cebu, bunsod ng mga lumitaw na sinkhole o malalalim na butas sa lupa.
Maraming mga residente ang nangangamba lalo't ang ilan sa mga sinkhole ay malapit sa kanilang mga bahay.