Pinaghihinalaang nasa Europa si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, kaya nananawagan si Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa mga Pilipinong nasa ibang bansa na agad ipagbigay-alam kung makita ang dating mambabatas.
Tiniyak ng DILG na target nilang maaresto ang mas malalaking personalidad na sangkot sa flood control projects anomaly, lalo na ang mga may umiiral na warrant of arrest.






















