Ikinabit na ng mga kawani ng Pulisya ang mga signage na nagbabawal sa paghinto at pagkuha ng litrato sa bahagi ng Kennon Road kung saan nakita ang mga labi ni dating DPWH Usec. Catalina Cabral.
Ayon sa mga awtoridad, may mga turista at ilang motorista na humihinto para magpakuha ng litrato matapos kumalat ang balita tungkol sa insidente na naglalagay sa kanila sa panganib.






















