Nagbanta ang Estados Unidos sa mga bansang patuloy na makikipagkalakalan sa Iran sa gitna ng tinawag nitong “economic D-Day” laban sa Tehran.
Subalit para sa Iran, ang hakbang na ito ng Washington ay patunay lamang umano na nabigo ang military campaign ng Amerika at kailangan na nitong umasa sa economic pressure.






















