Nababahala ang National Security Council matapos makumpirmang cyanide ang laman ng mga boteng nasamsam mula sa mga Chinese sampan sa paligid ng Ayungin Shoal.
Ayon sa National Security Council, posibleng sinadya ito upang sirain ang yamang-dagat at putulin ang suplay ng pagkain at tubig ng mga sundalo sa BRP Sierra Madre.






















