Mataas pa rin ang morale ng mga sundalong nagbabantay sa BRP Sierra Madre sa kabila ng pagkaudlot ng rotation and re-supply o RoRe mission noong nakaraang linggo dahil sa paglapit ng mga barko ng China Coast Guard at PLA Navy sa Ayungin Shoal.
Ayon sa AFP, sapat pa ang supplies ng mga sundalo at patuloy ang paghahanda para sa susunod na RoRe mission.




















