Sisimulan na ng Department of Justice (DOJ) sa susunod na linggo ang preliminary investigation sa mga reklamong may kinalaman sa limang ghost flood control projects sa Bulacan. Napadalhan na rin ng subpoena ang mga respondent, kabilang ang ilang dating district engineers.






















