Iginiit ng National Bureau of Investigation na sumunod lamang sila sa utos ng korte at hindi minadali ang pag-aresto sa mamamahayag na si Jay Sonza.
Samantala, kinondena ng kampo ni Sonza ang tiyempo ng pag-aresto at kinuwestiyon ang naging proseso ng operasyon.






















