Pormal nang pinangalanan ang mga miyembro ng Independent Commission for Infrastructure upang imbestigahan ang mga diumano’y korapsyon sa flood control projects sa bansa.
Ayon sa Palasyo, agad nang magsisimula ang komisyon sa imbestigasyon at walang sasantuhin, kahit kaalyado ng kasalukuyang administrasyon.