May nabuo nang rekomendasyon ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng mga hakbang na maaaring gawin ng pamahalaan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, kabilang ang posibleng suspensyon ng fuel tax.
Samantala, nanawagan ang Pangulo sa mga lokal na opisyal na makiisa sa pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng bansa.






















