Inilabas ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste ang higit 60 mga screenshot ng listahan ng mga alokasyon ng pondo ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Ayon sa kongresista, naglalaman ito ng alokasyon sa kada distrito na may halagang aabot sa P3.5 trillion mula noong 2023 hanggang 2026.






















