Hindi makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nakaambang imbestigasyon ng Kamara sa dolomite beach project sa Maynila ng nakalipas na administrasyon, ayon sa Malacañang.
Gayunman, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi nito nagustuhan ang akusasyon ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na pamumulitika ang isasagawang legislative inquiry.






















