Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Undersecretary Juan Miguel Cuna bilang acting secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Samantala, si outgoing Secretary Raphael Lotilla ay itinalaga ng Pangulo bilang ambassador ng Holy See.
Nilinaw ng Malacañang na hindi nag-resign o pinag-resign ang outgoing DENR secretary, kundi nais lamang niya ng mas magaan na tungkulin.






















